Sunday, 15 December 2019

Bakit Nanghuhusga Ang Mga Tao Sa Kapwa


Panghuhugas ay ang nagbibigay depinasyon sa isang tao. Ito ay maaring makakagiba ng reputasyon o makakagawa ng mabuting imahe sa mata ng ating kapwa. Sa panahon ngayon, nakakatakot ng gumawa ng isang maliit na kamalian sapagkat ang mga mata ng panghuhusga at ang bibig na nagpapakalat nito ang siyang nakakagiba ng imahe mo sa mundo. Natural lamang na manghusga ang isang tao sapagkat mayroon tayong kalayaan na magsalita ukol sa ating gustong sabihin at na-aayon sa ating nakikita ngunit maganda nga ba ang lumalabas na mga salita sa ating bibig?

Marami ang nagtatanong kung bakit nanghuhusga ang mga tao sa kapwa, maraming dahilan iyan at isa sa mga ito ay ang inggit. Nababalot ang isang tao ng inggit kaya’t ang kanilang ginagawa ay tinitignan ang bawat kilos ng taong iyon at kapag nakagawa ng isang kamalian ay sinasabi sa iba upang ang mabuting reputasyon ay masira dahil hindi nila abot ang kayang abotin ng taong iyon. Isa pang dahilan kung bakit nanghuhusga ang mga tao ay dahil natural na sa kanila ang manghusga. Mayroon talagang mga taong ganyan na kay basa ng kanilang bibig at walang preno kung magsalita. Sila ay nanghuhusga na lamang dahil maaring nagawa nila ito ngunit nabigo o hindi nila kayang gawin ang ginawa ng taong iyon. Ito ay mga taong tinatawag na chismosa na mga walang magawa sa buhay kundi manghusga ng mga tao na akala mo’y perpekto ang kanilang buhay. At ang panghuli ay nanghuhusga ang mga tao dahil hindi pa nila labis na alam ang nangyayari kaya’t ang hinuhusgahan nalang nila ang kanilang nakikita at base rin sa impormasyong hindi naman sapat. Maari rin itong maihambing sa panghuhusga ng tao base sa itsura ngunit hindi tinitignan ang pangloob na ganda.

Don’t judge the book by its cover ika nga nila, sapagkat mayroong mga bagay na hindi natin nalalaman ukol sa isang tao ngunit hinushugahan natin sila batay sa mga sinasabi ng iba na umabot sa iyong tengga. Karamihan ngayon sa mga tao ay ganoon ang ginagawa, puro kamalian ang nakikita at hindi ang kagandahan ng pagkatao niya dahil nga ay mas marami kang masasabi sa kamalian kesa sa kagandahan. Sana’y mabigyan pa ng mabuting pag-aaral ukol sa isyung ito ang mga tao sa paligid dahil maaring hindi lamang reputasyon ang ating magiba, kundi ang buhay na nila.

No comments:

Post a Comment