FAMILY DAY 2020
Pamilya, sila
ang mga taong unang nagmahal sayo simula noong isinilang ka. Ang nanay at tatay
mo ang nasa iyong tabi sa panahong natutumba ka habang natututong lumakad, at
nasa tabi mo habang sinasambit mo ang unang mga salitang lumabas sa iyong bibig.
Ang aking pamilya ay hindi kumpleto at perpekto. Ako ay isang produkto ng
broken family ngunit hindi iyon naging hadlang para gawin ng aking mga magulang
ang tungkulin nila. Silang dalawa ay minsa’y magkasundo minsan naman ay
nag-aaway sila dahil sa amin ng aking kapatid.
Sa family day
ng Asian College of Technology noong January 27, 2020, ako ay masaya sapagkat
hindi man kumpleto ang aking pamilya dahil wala ang aking ama masaya ako dahil
kahit maraming ginagawa ang aking ina nagawan niya parin ng paraan na makapunta
sa espesyal na araw para sa pamilya ng aking eskwelahan. Naganahan akong
sumayaw sapagkat alam kong nanonoud ang aking ina at ipinagmamalaki ko rin ang
aking talent. Naroon din ang aking kasintahan na tinuring na rin na isang parte
ng pamilya namin.
Hindi lamang
ito araw para sa pamilya, para sa akin ay araw rin ito ng mga magkakaibigan at
kaklase. Sa mga araw na kami ay nagprapractice hindi mapapalitan ang mga ngiti
sa mga labi naming habang ang iba ay nagsasabi ng kanilang jokes, ang mga kahihiyan
moments at iba pang mga ginawa naming sa mga araw ng practices. Sa mismong araw
na rin na iyon, dinecorate naming ang booth, kahit hindi kompleto may iba rin
na nagpaganda ng simula ng aking araw na sina Gianne, Emmy, Tiffany at iba ko
pang kaklase. Kahit ang pag eensayo naming
para sa sayaw na halad para kay Sto. Nino ay napakasaya sapagkat ang makukulit
na mga ugali ng CAT Leaders ay lumabas.
Sa mismong
araw na iyon, na feel ko ng mas sobra ang pagmamahal ng aking ina. Nandoon siya
na sumusuporta kasama ang aking kasintahan habang tumitingin sa akin na puno ng
pagkamangha ang mga mata nilang dalawa. Hindi rin kami nag away ng aking
kapatid sa araw na iyon at para sa akin isa itong himala sapagkat palagi talaga
kaming nag-aaway.
Hindi man
nakasama ang aking ama dahil isa siyang seaman at nagtratrabaho siya, hindi
niya kinalimutan na tumawag sa akin at nagpasabi sa aking ina na kumuha ng
bidyo sa aking sayaw dahil gusto niyang makita. Tumawag rin ang aking ama
habang kami ay kumakain ng aking ina at kasintahan.
Kahit ganon
ang nangyari sa aking Family Day, hindi kumpleto ay para narin itong kumpleto
dahil sa pagmamahal na ibinibigay at ipinapakita ng aking pamilya sa araw na
iyon. Simpleng pagtawag ng aking ama upang bumati ng Happy Family Day sa akin
kahit siya ay hindi makapunta ay nagpapasaya sa akin. Kahit umuwi ng maaga ang
aking ina dahil may trabaho pa siya ay kitang-kita ko ang effort niya sa
pagpunta upang magkaroon lang kami ng pamilya sa araw na iyon.
Narealize ko
na ang ating pamilya ang nandyaan sa oras na tayo ay nangangailangan. Sobrang
dami man nilang ginagawa at kinakailangan puntahan, uunahin ka parin nila kapag
alam nila na kailangan ang presensya nila doon. Para sa akin simple man ngunit
ito’y nagpapalambot ng aking puso na nagreresulta ng pagkamahal ko pa para sa
aking pamilya
No comments:
Post a Comment